Ang problema.. BOW! .. Ay Dinadaanan lang,Hindi tinatambayan

Wala nang mas lalabo sa karanasan ko mula February 2011 hanggang ngayon. Woooh, Sa sobrang Dami nang na pinagdaanan ko pakiramdam ko nabugbog na ata ako nang problema. May mga pagkakataon na nanghihina na ako. Nauubusan na ako nang ikakatwiran sa sarili ko. May mga pagkakataon lugmok na lugmok na talaga ang pakiramdam ko. Pero come to think of it, IM STILL ALIVE.. Nasanay na? Siguro.
Napagod na? Hindi pa..
Susuko na? Lalong HINDI noh..

Alam ko kasi na gaya nang kahit anong bagyong naranasan nang Pilipinas sa mga nagdaang panahon, Matatapos din ito, kakayanin ko to..
Hanggat may nagtitiwala sa akin
Hanggat may nagmamahal hindi ako susuko
Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari, o kung ano ang dahilan pero anu man iyon alam kong mayroon magandang kahihinatnan ang mga ito.
Dahil gaya nang lagi kong iniisip tuwing bumabagyo,
“Bawat malakas na pag ulan,
bawat pagdilim nang kalangitan.
May isang magandang umagang naghihintay sayo. Isang napakagandang SIKAT NG UMAGA, na palagi’y hatid ay bagong pag asa.

Madalas ko itong sinasabi sa mga kaibigan , kakilala at minamahal ko “HINDI TAYO BIBIGYAN NANG PANGINOON NG PROBLEMANG HINDI NATIN KAYANG SOLUSYUNAN, Dapat nga matuwa ka kasi alam nyang ganyan ka kalakas kaya nya sayo binibigay ang bagay na yan”

Everything Happens for a Reason

Tingin mo May karapatan kang mag BLOG?!

488044_343615079073426_1894743973_n

Hanggang ngayon wala padin ako sa tamang huwisyo at hindi ko padin napagmumunimunihan kung anong karapatan ko para gumawa nang isang blog. Ano nga ba ang karapatan ko.?

Una, Madrama akong tao, napakasensitive kong tao,
tipong makurot mo lang ako o maapakan ang paa pakiramdam ko niyurakan muna buong pagkatao ko ( oo ganun kalala ang pag iinarte ko.. hahaha).Kaya isipin mu nalang diba ang magiging laman nang blog ko. ( naapakan ang paa ko, masakit.. o kaya Nakakainis ka nasagi mu ang balikat ko,,) Natatawa nalang ako kung iisipin ko.

Mabalik tayo sa topic, sino nga ba talaga ang may karapatang magblog.
Sila ba ung magagaling mag english at kung ano anong salita alam. tipong “while reading their blog dapat may katabi kang diksyunaryo para maintindihan mo?
O Dapat ba tipong nalibot muna ang buong mundo,? O siguro dapat nasubukan nya na lahat nang klase nang produkto.?Para naman may sense ung pag aaksaya mo nang oras kababasa nang sinulat nya. Diba?

Nakakatawa na iniisip ko sya sa ngayon.Ako kasi pakiramdam ko kasi wala ako kahit kakaunting karapatan para gumawa ng blog.

Pero dahil gumagawa at patuloy na umaandar and aking isipan, napagpasyahan kong gumawa na din. Para kahit papaano may karamay ako kung saka sakaling pakiramdam ko nabubulunan na ako sa dami nang tanong na hindi ko mabigyan nang kasagutan.

Sa totoo lang, mahirap magsulat, lalo na kung highschool ka pa lang nung huli kang nagsulat nang napakagandang talata. Natatakot akong tuluyang mawala ang talino ko sa bagay na un. Kaya kahit walang proper training o coaching kung ano ba talaga ang dapat ilagay sa blog. Naglakas loob na akong gumawa. In the long run, Matututunan ko din naman yan. Sa ngayon, sabay sabay na muna nating pagtyagaang basahin ang kakapiranggot na talatang isinusuka nang utak ko.

Tipong Unang Tingin palang sayo Nakataas na ang kilay?!?!

Para sa aking opinyon, lahat naman nang tao ay may tinatawag na “katangahan, kababawan,at kaartehan sa katawan. Mabenta yan sa lahat, alam nyo na, makakakilala tayo nang mga taong gustong gusto tayo sa unang tingin pa lang, meron naman sa isang kisap mata lang akala mo kilala na buong pagkatao mo, meron din gusto ka sa umpisa tapos ayaw ka na pala. Iba iba ang paraan nang pagkilala natin sa tao,pero hindi mo maaaring sabihin na mali ang pagkakakilala mu sa kanya bilang tao.

Kung sabagay, sa sobrang dami ba naman kasi na populasyon sa Pilipinas, sino ka, sino ako para sabihing bihasa na tayo sa pagkilala sa taong makakasalamuha natin? diba ang madalas naman natin pinapagana ay ung Instinct na tinatawag? Malas mo lang kapag ikaw ung tipo nang tao na sa unang Tingin palang tataasan ka na nang kilay.

Biktima ako nyan, sa dinami dami nang taong nakilala ko, mangilan ngilan lang talaga ang ngumiti sa unang pagkakakilala, mas marami ang nakataas ang kilay. ayon sa kanila, nakikita daw nila sa mukha ko na isang akong napakalaking MALDITA at BRATINELLA, hahaha, weird lang kasi once that they know me, they would just exclaimed ” AKALA KO DATI ”

Pero come to think of it, Sa anyo nang tao talaga tayo unang bumabase kung gusto natin sya o hindi, pag walang magandang sapatos, mamahaling damit at bag. ayaw  na natin sa kanila? Pag mukhang impakta,maldita,bratinella ayaw na natin sa kanila?

Im not one of those judgemental people, para sa akin mas masaya kilalanin ung mga taong nakataas ang kilay pero makikita mo ung kabaitan sa mata, ung mukhang maldita pero alam mong may tinatagong kulit at lambing, ung mukhang bratinella pero hindi nakakatiis sa kapwa.

Naalala ko, may mga kaklase ako dati na uber maldita talaga, people hates them, but i love them. para sa akin, sila ung pinakatotoong taong nakilala ko sa loob nang silid aralan namin, ,well sempre aside from my friends. Treat them right, they will treat you well, treat them bad, they will give you hell. Atleast hindi ko napalampas ung pagkakataon na makilala sila nang lubusan,Until now, we are still good friends

Ikaw? sa tingin mo.. ilang mabubuting tao kaya ang napalagpas mong kilalanin dahil ang mga mababaw na katangian na yan ang pinagbabasehan mo sa pagkilala sa mga ito.

I’m selfish, impatient and a little insecure. I make mistakes, I am out of control and at times hard to handle. But if you can’t handle me at my worst, then you sure as hell don’t deserve me at my best.

Marilyn Monroe,sixth greatest female star of all time by the American Film Institute.

 I’m living with that Marilyn Monroe quote, ( insert Smiley)